^

Police Metro

P.1-M reward sa may-ari ng baril na nakapatay sa batang babae

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magbibigay ng reward na P100,000 ang grupong Guardians Reform Advocacy & Cooperation Towards Economic Prosperity para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng may-ari ng baril na res­ponsable sa pagpapa­putok nito na ikinasawi ng isang 11-anyos na batang babae na tinamaan ng bala sa ulo sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon sa Abra.

Magugunita na noong alas-12:20 ng madaling araw ng Bagong Taon ay nakatayo at nanonood ng putukan ang biktimang si Jercy Decym Tabaday, Grade IV pupil sa Bumagcat Elementary School sa kanilang lugar sa Brgy. Bumagcat, Tayum nang tamaan ng bala sa ulo.

Dinala ito sa pagamutan, subalit ilang oras ay namatay din ito dahil sa tama ng bala ng cal. 45  pistol sa kaniyang ulo.

Ayon naman kay  Cordillera Police Director Chief Supt. Isagani Nerez, sa kasalukuyan ay patuloy ang imbestigasyon upang mabigyan ng hustisya ang biktima. - Joy Cantos-

 

ABRA

AYON

BAGONG TAON

BUMAGCAT ELEMENTARY SCHOOL

COOPERATION TOWARDS ECONOMIC PROSPERITY

CORDILLERA POLICE DIRECTOR CHIEF SUPT

GUARDIANS REFORM ADVOCACY

ISAGANI NEREZ

JERCY DECYM TABADAY

JOY CANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with