4 sa 16 pumuga sa QC jail, nadakip

MANILA, Philippines - Apat sa 16 na tumakas na preso sa Cubao Police Station nitong bisperas ng Bagong Taon ang balik-selda matapos na maaresto.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Sr. Supt. Joel Pagdilao, dalawa ang naaresto kahapon ng  tanghali sa magkahiwalay na lugar sa lungsod.

Dalawa na rin ang naibalik sa kulungan kabilang ang isang detainee na nahuli habang papatakas.
Labindalawa pa ang patuloy na tinutugis habang sinibak sa pwesto ang hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 na si Supt.Wilson Delos Santos at humalili ay si Supt. Marlou Martinez.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang District Investigation and  Detective Management Division at nakaamba na ang paghahain ng mga kasong administratibo at kriminal sa mga pulis na maaa­ring may pananagutan sa nangyari.-Ricky Tulipat-

 

Show comments