MANILA, Philippines – Patay ang isang 45-anyos na lalaki nang ito ay saksakin ng kanyang tiyuhin dahil sa ginawa nitong pang-aaway sa ina noong Linggo ng gabi sa Navotas City.
Ang nasawi ay kinilalang si Jojito Balatan, 45, ng no. 192 R. Domingo St., Brgy. Tangos ng lungsod.
Samantala, ang suspek na kinasuhan ng homicide at nasugatan din ay nakikilalang si Enrico Dino, ng Brgy. Tangos.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng gabi noong Linggo ay sinugod ng biktimang si Balatan ang bahay nina Dino at nagsisigaw at minura ang kanyang ina na natutulog na.
Inawat ni Dino ang pamangkin ngunit siya ang pinagbalingan at pinagsasaksak na nagawa namang maagaw at inundayan rin ng saksak ang pamangkin.
Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng away.