MANILA, Philippines – Umaabot na sa 36 katao ang nasawi sa landslide at baha dahil sa ng malalakas na pag-ulan dulot ng bagyong Seniang sa Visayas at Mindanao.
Sa report ni Supt. Renato Dugan, Spokesman ng Central Visayas Police na ang dalawangpung nasawi say mula sa mga bayan ng Ronda at San Francisco, Cebu ay dahil sa flashflood sa mga bayan ng Ronda at San Francisco, Cebu.
Ang sampu katao na nasawi ay matapos na anurin ang kanilang mga bahay sa Brgys. Poblacion, Palanas at Tupaz sa Ronda, Cebu dakong alas-8:15 ng umaga kahapon.
Ilan sa mga nasawi ay kinilalang sina Bienvenido Batomalaque, 58; Prudencia Ypanto, 89; Rancess Tampus, 5; Aaron Camillo, 7; Paul Emerson Lim,17 at Joan Bahinting, 8.
Nawawala sina Evelyn Bahinting, 40; Junjun Bahinting, 35; Juvelyn Bahinting, 10; Ace Faunillan, 2 buwang sanggol; Jean Bahinting, 5 at Joyce Bahinting, 3.
Nilamon rin ng malakas na agos ng tubig baha ang pamilya Caday na kinilalang sina Leoning Caday, 50; Maribel Caday, 14; Jerly Caday, 11.Habang narekober ng search and rescue team ang dalawa pang bangkay na sina Anabell Maribao Yap, 60, empleyado ng Sanggunian Bayan at isang alyas Pew Pew, 35, ng Brgy. Poblacion.
Sa bayan ng San Francisco, Cebu kinilala ang dalawang nasawi sa pagkalunod na sina Joel Montalban Ostria, 30, ng Brgy. Sta Cruz.
Sinabi naman ni Office of Civil Defense (OCD) Region VIII Director Blanche Gobenciong, na tatlong matanda at dalawang bata ang naitalang nasawi sa landslide sa Tanauan, Leyte bunga ng mga malalakas na pag-ulan umpisa pa nitong Lunes.
Nasa 70 rin ng 54 barangay sa Tanauan ang apektado ng mga pagbaha. Ang Tanauan ay isa sa mga bayang grabeng sinalanta ng bagyong Yolanda noong Nobyembre ng nakalipas na taon.
Napaulat rin ang pagbagsak ng Poblacion Bridge sa La Libertad, Negros Oriental sanhi ng malakas na agos ng umapaw na tubig-baha sa ilog.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Alexander Pama na ang bagyong Seniang ay nakaapekto sa 5,529 pamilya o kabuuang 23,626 katao sa Regions VII, X, XI at CARAGA Region.