MANILA, Philippines – Nakatakdang magsagawa ng courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang si Pope Francis sa pagdating niya sa Pilipinas sa Enero 15.
Ayon kay Bishop Mylo Vergara, ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) Committee on Information and Media, na maituturing na state visit din ang papal visit ni Pope Francis dahil siya ay head of state dahil sa pagiging pinuno ng Vatican City state, kaya’t marapat lamang na magkaroon ng courtesy call sa Malakanyang.
Inaasahang sa ikalawang araw ng Santo Papa ang courtesy call, dakong alas 9:00 ng umaga.
Kasama ang kaniyang delegasyon ay makikipagkita ang Santo Papa kay Pangulong Benigno S. Aquino III.
Aawitin din ang pambansang awit ng Roma bukod sa Lupang Hinirang kasabay ng pagtataas ng watawat.