MANILA, Philippines - Maraming posibilidad na pwedeng mangyari kaugnay sa muling pakikipag-usap ng gobyerno sa National Democratic Front (NDF).
Ito ang sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., na tumangging magkomento sa posiblidad na magpulong sina Pangulong Benigno Aquino III at CPP founder Jose Maria Sison.
Dagdag pa ni Coloma na ayon kay Secretary Teresita Quintos Deles na maraming posibilidad kung magiging bukas ang magkabilang panig at mapagkakasunduan ang muling pagbubukas ng pormal na negosasyon.
Naunang inihayag ni CPP founding chairman Joma Sison na malaki ang posibilidad na makapag-usap sila ni Pangulong Aquino kaugnay ng nilulutong peace talks sa pagitan ng communist movement at gobyerno.