MANILA, Philippines - Bibili ang Philippine Navy ng kagamitan para magsilbing proteksyon sa kanilang mga katawan mula sa mga sugat sanhi ng mga bala at shrapnel.
Sinabi ni PN Vice Commander Rear Admiral Caesar Taccad, kailangan ng tropa ang ganitong mga kagamitan, upang magsilbing proteksyon ng bawat marino laban sa mga posibleng sugat na matatamo sa labanan.
Ang naturang proyekto ay kasalukuyang nasa opening letter of credit at inaasahang maipagkakaloob ito sa taong 2015.
Para naman mapabuti ang direktang kakayahan ng PN sa larangan ng fire support capabilities ay kukuha ang tropa ng 40mm automatic grenade launcher sa unang ikaapat na bahagi ng taong 2015.