Para iwas sunog, ‘wag magpaputok-BFP

Inihahanda na ni Dr. Cosette Esmeralda Atutubo, orthopedic surgeon ng Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga kagamitan sa operating rooms sa posibleng  magiging biktima ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.- EDD GUMBAN-  

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na huwag nang gumamit ng paputok dahil bukod sa nakakasira ng kapaligiran, maka­panakit sa tao ay posibleng pagmulan  pa ng sunog.

Ito’y matapos ang ginawang inspeksyon ni BFP officer-in-charge Chief Supt. Ariel Barayuga sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan at  nakita niya ang mga paputok tulad ng “Chinese Sawa” at “El Diablo” na itinutu­ring na mapanganib.

Ayon kay Barayuga, ginawa nila ang inspeksyon bilang kanilang proyekto na “Oplan Paalala 2014: Iwas Pa­putok, Sakuna at Sunog”, upang matiyak na ligtas sa sunog ang publiko.

“Maayos naman po ang inspeksyon gene­rally pero ang problema, mayroon pong ibang establisyemento na pagkatapos ng unang inspeksyon ng ating mga tao ay saka na inilalagay ang mga imported at illegal na mga paputok na atin pong ipinagbaba­wal,” sabi ni Barayuga.

Inamin ng opisyal na hindi maalis na marami pa rin ang tumatangkilik sa paggamit ng paputok kung kaya pinaalala­hanan niya ang mga ito na bumili ng mga regulated na paputok.

 

Show comments