Ginang pinatay, mister naglaslas
MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang misis matapos na saksakin ng selosong lover sa harap ng kanyang paslit na anak at pagkatapos ay naglaslas sa leeg na naganap kahapon sa Caloocan City.
Ang nasawi ay kinilalang si Heidi Remamocha, 26, ng #69 Tamban St., Barangay 18 ng nasabing lungsod.
Inoobserbahan naman sa Caloocan City Medical Center ang suspek na si Nelson Mapag, 25.
Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga sa loob ng bahay ay galit na dumating ang suspek at kinompronta ang biktima tungkol sa nanliligaw dito.
Pinabulaanan ng biktima ang akusasyon hanggang sa mag-away ang mga ito at kumuha ang suspek ng kutsilyo at inatado ng saksak ang biktima.
Nang mapatay ang biktima ay nilaslas naman nito ang sariling leeg.
Sumaklolo ang mga kapitbahay at dinala sa pagamutan ang mag-asawa na kung saan nasawi ang ginang.
- Latest