Ulo ng magsasaka tinagpas ng estudyante

MANILA, Philippines - Tinagpas ang ulo ng isang magsasaka ng isang estudyante na nakaaway nito habang sila ay nag-iinuman kamakalawa ng gabi sa Siayan, Zamboanga del Norte.

Ang nasawi ay kinila­lang si Danny Sacarez, 38-anyos na ang ulo ay lumaylay matapos na karitin ng suspek.

Ang suspek na agad na nadakip at kinasuhan ng pagpatay ay kinila­lang si Alemar Ogdao, 22, estudyante sa kolehiyo at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen alas-11:05 ng gabi sa Sitio Matunog, Brgy. Poblacion, Siayan ng lalawigan ay kasalukuyang nag-iinuman ang grupo ng biktima at ng suspek sa bahay ng kanilang kaibigang si Jomar Sacarez nang magkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo.

Kumuha ng kahoy ang suspek at ipinukpok ng ilang beses ang ulo ng biktima at pagkatapos ay kinarit pa ng panggapas ng palay ang leeg nito.

Show comments