MANILA, Philippines - Naitala ng Philippine National Police (PNP) ang 11 kaso ng indiscriminate firing kabilang ang kinasangkutan ng dalawang ‘trigger happy’ na miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay ng pagsalubong sa Pasko.
Ito’y Ayon kay Chief Supt. Wilben Mayor, Chief ng PNP-Public Information (PNP-PIO) mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 24 ng taon ay naitala ang nasabing pagpapaputok ng baril ng mga pulis.
Una nang nagpalabas ng memorandum si PNP Officer in Charge P/Deputy Director General Leonardo Espina sa kapulisan na bawal masangkot sa illegal discharge of firearm o pagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon na kung sinuman ang mapapatunayang sumuway sa kautusan ay isasailalim sa imbestigasyon at posibleng mapatalsik sa serbisyo kaugnay ng kasong administratibo at kriminal.