MANILA, Philippines – Sa harap ng kanyang manibela nalagutan nang hininga ang isang 50-anyos na jeepney driver nang ito ay barilin sa ulo habang katabi ang kanyang paslit na anak kamakalawa ng gabi sa tapat ng Sto. Niño Church, sa Tondo, Maynila.
Ang nasawi ay kinilalang si Eleuterio Zarceno, ng Block 16, Lot 2, Phase 2, Dagat-dagatan, Caloocan City.
Batay sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi habang nakaparada ang jeep ng biktima at naghihintay ng pasahero katabi ang anak sa nabanggit na simbahan nang lumapit ang suspek at walang kaabog-abog na binaril sa ulo.
Napasubsob sa manibela ang biktima habang mabilis na tumakas ang hindi pa kilalang suspek.