MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang dating national coordinator at spokesman ng transport group na Pasang Masda nang ito ay pagbabarilin sa naganap na ambush kamakalawa ng gabi sa Fairview, Quezon City.
Ang nasawi ay kinilalang si Rogel Fernandez na nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 45 baril sa ulo at katawan.
Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga ay sakay ang biktima sa kulay pulang SUV at pagdating sa kanto ng Regalado at Commonwealth Avenue nang lapitan ito ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo at agad na pinagbabaril.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong hindi naplakahan.