^

Police Metro

Ona wala pang kapalit

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inihayag kahapon ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na wala pang desisyon si Pangulong Noynoy Aquino kung sino ang dapat maging kalihim ng DOH matapos pormal na tanggapin ang pagbibitiw ni Health Se­cretary Enrique Ona kaya’t mananatili pa rin acting secretary si Usec. Janette Garin.

Ayon kay Lacierda status quo muna ngayon sa DOH hangga’t wala pang inihahayag na papalit kay Ona.

Idinagdag pa ni Lacierda na wala rin silang impormasyon kung bakit tinanggap ng Pangulo ang resignation ni Ona.

“Kung ano ang reason ng pagtanggap ng resignation ni Secretary Ona, we do not have any information in that regard. What we were told and as mentioned by Secretary (Sonny) Coloma yesterday is that the Executive Secretary informed Secretary Ike Ona of the President’s acceptance of his resignation. Other than that statement, we have no information anymore,” dagdag ni Lacierda.

Idinagdag rin ni Lacierda na hindi nila alam kung ano ang nilalaman ng resignation letter ni Ona.

Tiniyak rin ni Lacierda na hindi maaapektuhan ang DOH ng tuluyang pagtanggap ng Pangulo sa resignation ni Ona at magpapatuloy pa rin ang mga nakahanay na proyekto ng ahensiya sa pangunguna ni acting Secretary Garin.

Patuloy pa rin ina-assess ng Pangulo ang  ulat tungkol sa sinasabing kuwestiyunableng anti-pneumonia vaccines na kinuha ng DOH noong nakaupo pa si Ona.

EDWIN LACIERDA

ENRIQUE ONA

EXECUTIVE SECRETARY

HEALTH SE

IDINAGDAG

JANETTE GARIN

LACIERDA

ONA

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with