MANILA, Philippines - Napagnakawan ng kanyang baril ang isang bagitong pulis sa loob mismo ng Caloocan City Police, kamakalawa ng umaga.
Ini-report ni PO1 Carlito Sadasap, ng no. 3136 Phase 2 Masagana Homes, San Francisco, Bulacan, ang pagtangay sa kanyang service firearm na kalibre .9mm beretta pistol na may isang magazine ng bala.
Itinuturo nitong tumangay sa kanyang armas ang isang Joselito Andres, tauhan umano ng Caloocan Police Firing Range at residente ng No. 22 Lanzones Road, Brgy. Potrero, Malabon City.
Ayon kay Sadasap, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga sa loob ng HCO Office ng Caloocan Police Station sa may Samson Road, ng naturang lungsod kung saan iniwan niya sa loob ng locker ang kanyang mga gamit kabilang ang baril.
Nang bumalik, napansin niya umano si Andres na pinakikialaman ang kanyang locker at kanyang sinigawan ito na nagresulta ng habulan ngunit nakatakas ang huli at natangay ang baril.