MANILA, Philippines – Inilabas na kahapon ni Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 74 Judge Roline Ginez Jabalde ang warrant of arrest laban kay US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton kaugnay ng kasong murder na walang piyansa laban sa Pinoy transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.
Una nang nakitaan ng korte ng ‘probable cause’ at ‘aggravating qualifying circumstances’ laban sa akusadong US Marine na itinuturong pumaslang kay Laude.
Nangangahulugan na anumang oras ay maari ng arestuhin si Pemberton kung saan ay bibigyan rin ng 10 araw ang mga otoridad upang ipaliwanag kung paano inaresto ang akusadong US Marine.
Alinsunod sa resolusyon ng korte ang krimen ay ikinuwalipikang murder dahilan sa banta, paggamit ng lakas at dahas sa pagpaslang sa biktimang si Laude na napagkaitang maipagtanggol ang sarili dahilan sinakal buhat sa likuran.