MANILA, Philippines – Masusing pinasisiyasat ni Senador Nancy Binay sa kinauukulang komite ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Filipino na may Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS).
Ipinaliwanag ni Binay na mahalagang magkaroon ng public awareness lalo pa’t inaasahang lalampas sa 30,000 ang bilang ng mga may HIV ngayong taon kung saan anim na kaso ang napapaulat sa isang araw.
Sa report ng Philippine National AIDS Council (PNAC) dumarami ang bilang ng may HIV at AIDS epidemic dahil sa “direct causal connection ng female sex”.
Naniniwala si Binay na kulang pa rin ang pondo at suporta ng gobyerno para masawata ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng HIV at AIDS.
Mahalaga aniya ang pagsasailalim sa HIV test lalo na ng mga taong may “high risk activities”.
Ayon pa umano kay Ferchito Avelino, secretary head ng PNAC, sa mga nakaraan ang nangaganganib lamang na magkaroon ng nasabing sakit ay ang mga MSM o “men having sex with men” at PWID o “people who inject drugs” pero sa ngayon ang nagkakaroon na ng ugnayan ang mga tinatawag na “high-risk population” sa general population.
Idinagdag ni Binay na nakakaalarma na ang bilang ng mga nay HIV at AIDs kaya napapanahon ang gagawing imbestigasyon ng Senado.