Lalaki ginilitan sa eskinita

MANILA, Philippines - Hindi na nakauwi ng buhay sa kanilang bahay ang isang lalaki nang ito ay gilitan sa leeg ng hindi pa kilalang suspek sa isang eskinita sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na nasa pagitan ng edad na 50-55, may taas na 4’9”, katamtaman ang panga­ngatawan, moreno, at nakasuot ng checkerd na polo shirt, at pantalon.
Ang biktima ay natagpuan ng isang residente na nakahandusay sa harap ng isang tindahan sa 4-D Road, Brgy. Pinyahan, ganap na alas 12:45 ng madaling araw.

Sa pahayag ng isang saksi, bago ang insidente ay ginising siya ng kanyang misis kaugnay sa ingay na narinig sa labas ng kanilang bahay kaya’t nagpasya na puntahan ang lugar at dito ay nakita ang biktima na nakahandusay.

Ang biktima ay nagtamo ng hiwa sa leeg na siyang ikinamatay nito.

 

Show comments