^

Police Metro

Gobyerno sinisi sa pagkapugot ng OFW sa Saudi

Gemma Garcia, Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinisi ng mga solons mula sa minorya at mayorya  ang gobyerno dahil sa pagkakapugot sa isang Overseas Filipino Workers (OFW) sa Saudi Arabia na si Carlito Lana.

Ayon kay 1BAP Rep. Silvestre Bello  III na malaki ang dapat na ipaliwanag dito ng Labor Department, Department of Foreign Affairs (DFA) at OWWA at lumalabas na mayroong ciminal negligence o criminal oversight dito sa panig ng mga ahensiya ng gobyerno.

Para naman kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe at Quezon City Rep. Winston Castelo, dapat matuto na rito ng leksyon ang pamahalaan.

Dapat na regular na ilathala ng DFA ang pangalan ng mga OFW na nasa death row sa ibang bansa para nabibigyan ng aksyon bago mahuli ang lahat.

Sinabi naman ni Cibac partylist Rep. Sherwin Tugna na dapat ilaban ng gobyerno na mabigyan ito ng impormasyon sa tamang panahon bago pa ang execution ng parusa sa mga OFW na nasa death row.

Nilinaw naman ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., na ginawa ang gobyerno ang lahat sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs si Lana.

“Ang atin pong pamahalaan ay nagbigay ng lahat ng kinakailangan at kinauukulang pagtulong kay Ginoong Lana at tiniyak po na ang kanyang mga karapatang legal ay iginalang at sinuportahan sa buong prosesong panghukuman o judicial process.

AKO BICOL

CARLITO LANA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GINOONG LANA

HERMINIO COLOMA JR.

LABOR DEPARTMENT

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

QUEZON CITY REP

RODEL BATOCABE

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with