Trak pwede na uli sa Roxas Blvd.

MANILA, Philippines - Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na pwede na muling makadaan sa Roxas Boulevard ang mga delivery trucks.

Ito’y makaraang pakiusapan umano siya ni Cabinet Secretary Jose Rene dahil sa inirereklamo umano ng mga negosyante ang mabagal na pagkuha ng mga produkto na nakaimbak sa mga pantalan ngayong Disyembre.

Umpisa sa Disyembre 17 hanggang Disyembre 22 mula alas-12:00 ng madaling-araw hanggang alas-5:00 ng umaga maaaring dumaan ang mga truck sa Roxas Boulevard.

Matatandaan na nitong nakaraang Disyembre 3 ay ipinagbawal ng MMDA ang pagdaan ng mga trucks sa Roxas Boulevard na matagal na umanong nabinbin at upang maiprayoridad ang mga motorista na patungo sa mga airports at pasyalan sa bisinidad.

Samantala, magbibigay ang MMDA ng libreng shuttle service sa mga pasahero na patungo ng airports.

May anim na bus na  ilalagay sa Mall of Asia sa Pasay at sa Southwest Terminal sa Baclaran, Parañaque upang maghatid ng mga pasahero patungo sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2, 3, at 4.

Kailangan lamang umanong ipakita ang mga airplane ticket upang maisakay ng mga shuttle service.

 

Show comments