Cavite, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang P5.7 milyong piso na halaga ng iligal na droga sa isinagawang pagsalakay sa umanoy kubkuban ng mga pusher sa Brgy. Datu Esmael sa Dasmariñas City, Cavite kahapon.?
Base sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng umaga armado ng search warrant nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng PIB, SWAT, MPU at RPSB ang bahay nina Patani Sultan, Hadji Norhanesa Monongiring at Rodolfo Pontecha sa nasabing barangay.?
Nasamsam sa mga bahay nila ang nasa 248 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa kalahating kilo, isang cal. 38, dalawang cal. 45, isang cal. 22, isang airgun, mga magazines at mga bala.?
Dahil sa mga CCTV at hirap makapasok sa nasabing lugar hindi na naabutan ng pulisya ang mga may-ari ng bahay ngunit apat katao naman ang inimbitahan sa presinto upang isailalim sa imbestigasyon.