Globe nagkaloob ng libreng tawag sa Pinoy workers mula sa 8 bansa
MANILA, Philippines – Upang maibsan ang alalahanin ng mga Pinoy workers mula sa Asia, Europe, Middle East at North America sa kalagayan ng kanilang pamilya sa Pilipinas na apektadong bagyong Ruby ay nagkaloob ng libreng tawag ang Globe Telecom.
Ayon kay Gil Genio, Globe Chief Operating Officer for Business and International Markets, ang mga OFWs na mula sa Spain, UK, Saudi Arabia, Canada, Singapore, Hong Kong, USA at Italy na pawang may mataas na bilang ng manggagawang pinoy ay nabigyan ng pagkakataong kamustahin ang kanilang mga mahal sa buhay.
Ang pagtatalaga sa walong bansa na direktang pinaglilingkuran ng Globe ang mga manggagawang Pinoy ay bahagi ng kanilang pag-agapay sa mga ito, partikular na sa panahon ng kalamidad.
Nilinaw naman ni Rizza Maniego-Eala, Globe Senior Vice President for International Business na sa bansang Italya, ang libreng tawag ay isinagawa sa Globe stores sa Milan at Rome.
Inihandog naman sa pamamagitan ng Globe accredited retailers ang serbisyo para sa mga OFWs sa Spain, UK, Saudi Arabia, Canada, Singapore at Hong Kong.
Sa US, isinagawa ang libreng tawag sa branches ng Seafood City sa west coast, samantalang sa east coast ay via web sa pamamagitan ng subscribed access service ng Lunex.
- Latest