MANILA, Philippines - Inaresto ng mga otoridad ang isang 50-anyos na lolo matapos na ireklamo nang panghahalay sa kanyang 10-anyos apo ng dalawang beses kamakalawa sa Brgy. Cabalinadan, Tigaon, Camarines Sur.
Ang suspek ay kinilalang si Alberto Bancosta na inaresto ng kanyang anak na si Vito makaraang magsumbong ang kanyang anak na dalawang beses na hinalay ng suspek.
Batay sa ulat, dakong alas-3:50 ng madaling araw ay umuwi si Vito mula sa pagroronda sa kanilang barangay ng makita ang anak na umiiyak.
Nang tanungin ang anak kung ano ang dahilan ng pag-iyak nito ay nagsabi na siya ay hinalay ng suspek.
Mabilis na umuwi si Vito kasama ang ibang tanod at inaresto ang suspek habang ito ay nagpapahinga.
Nabatid na unang ginahasa ang biktima noong Sabado ng tanghali habang silang dalawa lang ng lolo ang nasa bahay.