^

Police Metro

14 fratmen swak sa Servando hazing

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinakakasuhan ng Department of Justice (DOJ) ang labing-apat na miyembro ng fraternity kaugnay ng pagkamatay ng estudyanteng si Guillo Cesar Servando sa hazing ng Tau Gamma Phi Fraternity ng De La Salle-College of Saint Benilde (DLS-CSB) chapter noong Hun­yo 28.

Sa 24-pahinang reso­lusyon na may petsang Nobyembre 5 na isinulat ni Assistant State Pro­secutor Stewart Allan Mariano at sinang-ayunan ni Prosecutor General Claro Arellano, nakakita ng probable cause ang panel of pro­secutors para kasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 8049 o Anti-Hazing Law sina Cody Errol Morales; Daniel Paul Martin Bautista; Kurt Michael Almazan; Esmerson Nathaniel Calupas; Hans Killian Tatlonghari; Eleazar Pablico III; John Kevin Navoa; Vic Angelo Dy; Mark Andrew Ramos;
Michael David Castañeda; Justin Francis Reyes;alyas “Kiko”; alyas “Bea”; at  isang hindi pa nakilalang babae.

Pinawalang-sala naman dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya sina Jemar Pajarito, ang caretaker ng bahay sa Palanan, Makati City kung saan nangyari ang hazing; Luis Solomon Arevalo; Carl Francis Loresca; Steven Jorge Peñano; Ma. Teresa Dayanghirang at; Alyssa Federique Valbuena.

Batay sa resolus­yon, hindi kabilang ang anim sa mga nanakit kay Servando, at sa kapwa-neophytes nitong sina John Paul Raval, Lorenze Anthony Agustin at isang menor de edad.

Sinabi ni Prosecutor Mariano na inaprubahan na rin nila ang pagiging state witness nina Pajarito at  Arevalo na nakatakdang isampa ang kaso sa Makati Regional Trial Court.
Ayon naman sa ama ng biktima, kilala na nila sina “Kiko” at “Bea”.

Ayon naman sa Bureau of Immigration (BI) nakalabas na ng bansa ang  apat sa mga suspek na kinabibilangan nina Calupas, Tatlonghari, Pablico, at Navoa.

ALYSSA FEDERIQUE VALBUENA

ANTI-HAZING LAW

ASSISTANT STATE PRO

AYON

BEA

BUREAU OF IMMIGRATION

CARL FRANCIS LORESCA

CODY ERROL MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->