Hiling na piyansa nina Revilla, Napoles ibinasura

Ipinakita ng clerk of court ang resolution decision ng First Division ng Sandiganbayan na nagbabasura sa hinihiling na piyansa nina Sen. Bong Revilla, Richard Cambe at Janet Lim Napoles na nahaharap sa kasong plunder. (Boy Santos)

MANILA, Philippines – Hindi pinayagan ng Sandiganbayan na makapagpiyansa sina Senador Bong Revilla, Janet Lim Napoles at Richard Cambe na nahaharap sa kasong plunder na may kaugnayan sa pork barrel scam nang ibasura ang petisyon ng mga ito.

Batay sa 71-pahinang desisyon ng Sandiganbayan 1st Division, mayroon anyang ma­lakas na ebidensya ang prosekusyon laban sa tatlo kung saan sila umano ay nagsabwatan para maganap ang plunder na nasa ilalim ng Republic Act 8090.

Nilinaw ng Sandiganbayan 1st Division na ang naturang desisyon ay kaugnay sa bail hearing ng mga akusado at hindi nangangahulugan ng pre-judgement sa merito ng kaso laban sa tatlo na madedetermina lamang matapos ang full blown trial.

Sina Revilla at Cambe ay pawang nakaditine sa  PNP Custodial Center sa Camp Crame habang si Napoles, ang umano’y utak ng pork barrel scam, ay nakaditine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Show comments