MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang pinatay muna bago itinapon sa dagat ang isang barangay tanod na natagpuang palutang-lutang sa dagat na bahagi ng North Harbor, Maynila, kamakalawa.
Ang biktima ay kinilalang si Samuel Barnobal, barangay tanod ng Brgy 105 at residente ng Sitio Damayan, Tondo na may tama ng bala sa dibdib at kaliwang balikat.
Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon nang may makitang palutang-lutang na katawan sa dagat na sakop ng Sitio Damayan, sa Barangay 105 ang mga residente.
Isang Edgar Morallos ang kumilala sa bangkay, na nagsabing bayaw niya ang biktima na huli nakitang buhay noong Sabado ng alas-10:00 ng gabi na naka-duty at naglalakad sa Aroma outpost.