MANILA, Philippines – Mag-ingat sa tinaguriang “Pitas Gang” na aktibong kumikilos ngayon sa mga lansangan sa Metro Manila.
Ito ang babala ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na ang target ay ang mga mananakay na biglaan na lamang hinahablutan ng mga gamit, alahas tulad ng hikaw, relos, singsing, bracelet at cellphone.
Ang karaniwang target ng grupo ay ang mga mananakay na malapit sa bintana ng mga sasakyan na kapag nakakuha ng tiyempo ay hahablutin ang hawak na gamit ng mga ito.
Aktibo ang grupo lalo ngayong Kapaskuhan kung saan alam ng mga ito na may pera ang mga tao.