Pagtakda ng SRP maging patas sa maliit na negosyante

MANILA, Philippines – Maging patas sa maliliit na retailers sa pagtatakda ng “Suggested Retail Price (SRP)” upang maayos na masunod ang tamang presyo ng mga bilihin sa merkado.

Ito ang naging kahili­ngan ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce Inc. sa Department of Trade and Industry (DTI)

Sinabi ni Carlos Cabochan, chairman ng PCCCI-Caloocan Chapter na tila naaagrabyado ang mga maliliit na supermarkets at groceries sa pagtatakda ng SRP ng DTI dahil sa kakulangan sa pagsangguni ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Cabochan, pangulo rin ng Philippine Consumers Centric Traders Association (PCCTA), mas malaki ang gastusin ng mga mas maliliit na supermarkets at groceries dahil sa mas mahal ang hango ng mga ibinibentang produkto buhat sa mga manufacturers kumpara sa mga mas malalaking supermarkets na mas bultuhan ang paghango ng produkto sa mas mababang halaga kaya nakakaya ng mga ito na magdikta ng SRP sa lokal na merkado.

Show comments