Lifestyle check sa BuCor officials iginiit

MANILA, Philippines – Isinusulong ni Iloilo Rep. Niel Tupas na i-lifestyle check ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos na mabunyag ang umanoy talamak na problema ng droga sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

Kinumpirma din ni Tupas na natanggap na niya ang impormasyon  na may mga opisyal ng BuCor ang sangkot sa operasyon ng bawal na gamot sa Bilibid kung saan pati ang pagkakaroon ng pagawaan ng shabu sa loob ng Bilibid.

Hindi rin umano dapat na isisi lamang sa umano’y pangungunsinti ng ilang BuCor officials ang talamak na operasyon ng ipinagbabawal na gamot sa loob ng Bilibid dahil na rin sa napakababa ng sahod ng mga empleyado ng NBP at mga jailguards.

Pabor si Tupas na ilipat ang  NBP sa Laur Nueva Ecija, subalit  inirekomenda niya rin na magkaroon na ng augmentation ang Philippine National Police sa Bilibid.

Show comments