Kontrabandong speed boat kinumpiska
MANILA, Philippines – Kinumpiska na ng Bureau of Customs (BoC) ang isang sports speed boat at ang humihila ditong isang sports utility vehicle na tangkang ipuslit palabas ng Subic Freeport kamakailan.
Ayon kay Customs Police District (Port of Subic) Commander Lt. Paul Oandasan ang mga nakumpiska ay kinabibilangan ng isang Hammerhead Explorer 8 speed boat na may habang 20 talampakan na may dalawang outboard Evinrude E-Tec makina, isang Nissan X-Trail SUV (ZRU 155) na nakarehistro sa isang Joel Gordo.
Bagaman mga segunda-mano ay tinataya pa ring aabot sa halagang P4 milyon ang mga nakumpiska.
Walang naipakitang gate pass o resibo ng binayarang duties and taxes para sa speedboat ang drayber, maliban sa pullout form.
- Latest