MANILA, Philippines – Nasugatan ang apat na pulis na ang isa dito ay malubha nang magsagupa ang mga miyembro ng QC police at mga militanteng grupo sa gate ng ancestral home ni Pangulong Noynoy Aquino sa Times Street kahapon ng alas-10:00 ng umaga.
Nabatid na basag ang mukha ni SPO1 Arnold Reyes nang tamaan ng tipak ng bato na inihagis ng mga miyembro ng militante.
Ayon sa ulat, nakapasok sa barikada ng pulisya ang grupo ng militante na aabot sa mahigit 100 kabilang na ang mga organisasyon na nasa ilalim ng grupong Mindanao Manila Kababayan 2014.
Ang pagsugod ng militanteng grupo sa bahay ni P-Noy ay dahil umano sa militarisasyon sa bahagi ng Mindanao na nagpapalayas sa mga tahanan ng mga taga-Mindanawon.
Ayon sa mga militante na una ang mga pulis na nanakit sa kanila at gumanti lamang sila.