Para palayain ang 9 poachers... Malacañang dedma sa pakiusap ng Chinese govt

MANILA, Philippines - Kahit na makiusap ang Chinese government na palayain na ang 9 Chinese poachers na nahuli sa Pilipinas sa Palawan ay hindi ito pakikinggan ng pamahalaan.

Ito ang sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., at dapat pagbayaran ng mga Chinese poachers ang kanilang paglabag sa umiiral na batas ng Pilipinas bago sila payagang makauwi sa China.

Pananindigan ng gobyerno na dapat magbayad muna ng kanilang multa ang mga Chinese poachers na ito kahit napagsilbihan na nila ang kanilang pagkakakulong.

Magugunita na umapela ang Chinese embassy sa gobyerno na palayain na ang 9 na Chinese poachers na nahuli sa Palawan.

 

Show comments