^

Police Metro

CSO humiling sa solons na ipagtanggol ang national budget

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nanawagan ang iba’t ibang grupo ng Civil Society Organizations sa mga mambabatas na protektahan ang pondo ng mamamayan sa pamamagitan ng pag-iwas na kaltasan ang budget para sa Grassroots Participatory Budgeting (GPB) at pagkonsidera ng batas na maging permanenteng bahagi ang programang sa taunang budget ng bansa.
Ang GPB ay isang programang reporma ng admi­nistrasyong Aquino na ipinakilala noong panahon ng panunungkulan ng yumaong Jesse Robredo bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kasalukuyang ipinalawak at ipinatutupad sa ilalim ng liderato ni DILG Secretary Mar Roxas.
Ayon kay Marco Polo Ferrer, national secretary ng grupong Kilos Mamamayan, sa pamamagitan ng GPB, daang libong mamamayan na ang direktang nakinabang at patuloy na makikinabang sa iba’t ibang programa at proyektong panlaban sa kahirapan na nakinabang na mamamayan mismo ang tumukoy.
Nais din ng grupo ng Kilos Mamamayan na makaharap sa isang dialogo sina Roxas at Senate President Drilon upang iparating and kanilang suporta sa GPB lalo na inaasahang haharap ang Kalihim ng DILG sa Senado upang depensa ang budget ng kanyang departamento.
Nanawagan si Ferrer sa Senado na nakatakdang balangkasin ang taunang National Budget para sa taong 2015 sa Disyembre na naglalaan ang gobyerno ng higit sa P20-bilyong pondo para sa iba’t ibang proyekto upang labanan ang kahirapan na magbibigay biyaya sa higit sa 1,600 siyudad at munisipalidad sa buong bansa.

CIVIL SOCIETY ORGANIZATIONS

GRASSROOTS PARTICIPATORY BUDGETING

JESSE ROBREDO

KILOS MAMAMAYAN

MARCO POLO FERRER

NANAWAGAN

NATIONAL BUDGET

SECRETARY MAR ROXAS

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with