Judge kulong sa kotong
MANILA, Philippines – Anim na buwan hanggang tatlong taong pagkakulong ang inihatol ng Sandiganbayan sa dating San Ildefonso, Bulacan Municipal Trial Court (MTC) Judge Henry Domingo matapos mapatunayang guilty sa kasong indirect bribery na kinalaman sa pangingikil noong Pebrero 2003.
Ayon sa complainant na si Ildefonso Cuevas na noong Pebrero 7,2003 hearing ay inimbitahan siya ni Judge Domingo sa loob ng chamber nito at sinabi sa kanya kung paano siya matutulungan.
Napagkasunduan ng dalawa na sila ay magkita sa isang restaurant sa may Baliwag, Bulacan para doon pag usapan ang isyu sa kaso ni Cuevas.
Hindi alam ni Domingo ay nakahingi na ng tulong si Cuevas sa NBI para isagawa ang isang surveillance sa kanilang meeting noong Pebrero 14, 2003 para sa P20,000.00 halaga kapalit ng pagdismis sa kasong kriminal ng huli.
Nang isagawa ang bayaran noong Pebrero 17, 2003, naaresto ng mga ahente ng NBI si Domingo makaraang tanggapin ang P10,000.00 cash at isang tseke na may halagang P10,000.00.
- Latest