Garin nakipag-beso sa ilang senador

MANILA, Philippines – Nakipag-beso si acting Health Secretary Janette Garin kina Senators Ferdinand Marcos at Bam Aquino nang ito ay sumipot kahapon sa Senado.

Inabangan ang pagdating ni Garin sa Senado upang dumalo sa budget hearing ng DOH matapos magpahayag ng pangamba ang ilang senador noong nakaraang linggo dahil sa ginawang pagbisita sa mga sundalong peacemakers na nagmula sa Liberia ng walang suot na protective gear.

Unang lumapit si Marcos kay Garin ng makita niya ang kalihim na nakaupo sa VIP gallery kung saan nag-beso pa ang dalawa.

Unang binatikos ni Senator Vicente “Tito” Sotto III noong nakaraang linggo si Garin dahil sa ginawa nitong pagbisita sa mga sundalo. Hindi lumapit si Sotto kay Garin bagaman at ito ang masusing nagtanong tungkol sa budget ng ahensiya.

Show comments