MANILA, Philippines - Isang 35-anyos na babaeng dinudugo ang umano’y nahulog mula sa ikalawang palapag ng ospital kahapon ng umaga sa Quezon City.
Ang biktimang si Amora Tenegra, 35, residente ng Phase 2, Package 1, Block 8 Lot 37, Bagong Silang Caloocan City ay idineklarang dead-on-the-spot dahil sa malulubhang sugat sa kanyang ulo.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay dinudugo ng 22-araw na at nai-confine sa Quezon City General Hospital noong Nobyembre 13, 2014 kung saan naoperahan na rin ito ngunit wala man lang nakitang kaanak na dumalaw sa biktima.
Ngunit matapos bigyan ng gamot ng nurse na si Flor Carmeli Sobreo ang biktima habang nasa OB isolation room ay bigla na lang may narinig itong sigaw na “Ay nahulog!” at ng beripikahin ay nakitang nakadapa ito.
Sinabi ng mga otoridad na posibleng nagpakamatay ang biktima.