Tulak ng droga, tiklo

MANILA, Philippines - Isang pinaniniwalaang “tulak”  ng droga at number 5 sa lista­han  ng pulisya ang nadakip kamakalawa  sa Muntinlupa City.

Nakilala ang suspek na si Raul Layug “alias Bisaya”, 45, nakatira sa #300 Purok1, Barangay Sucat ng naturang lunsod.

Lumalabas sa  imbes­tigasyon ng pulisya, alas-2:00 ng madaling araw ng magsagawa ng anti-illegal drug ope­ration ang pinagsanib na puwersa ng  Station Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (SAID-SOFT) at Intelligence Section ng Muntinlupa City Police sa naturang lugar base na rin sa mahigpit na kautusan ni Mayor Jaime Fresnedi na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nakuhanan ng tatlong plastic sachet ng shabu.

Si Layug ay nakaditine ngayon sa Muntinlupa City Police detention cell at sinampahan na ito kahapon ng kasong  paglabag  Section 11, Article II of Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002) sa Muntinlupa City Prosecutor’s Office.

Show comments