Nanay naalimpungatan, anak na sanggol inihagis, todas
MANILA, Philippines - Aksidenteng naihagis ng isang ina sa pinto ang kanyang sanggol na lalaki matapos na naalimpungatan naganap sa Carcar City, Cebu.
Ang sanggol na si Eugene Tulod Gomez, 1-anyos, ay binawian ng buhay kamakalawa ng gabi ilang oras matapos na isugod sa Carcar City District Hospital.
Inaresto ng mga pulis ang ina na si Catherine Tulod, residente ng General Luna St., Poblacion II ng lungsod ng Carcar at sinampahan ng kasong infanticide.
Ayon sa pulisya, ang insidente ay ini-report sa mga otoridad ng kapatid ng suspek na si Ronil Tulod, 16-anyos dakong alas-12:00 ng tanghali.
Base sa imbestigasyon, nag-iiyak ang sanggol na nagugutom kaya ginising ni Ronil ang kaniyang ate Catherine para padedein ang anak.
Dahil sa naalimpungatan ito sa pagtulog ay hinawakan nito sa dalawang paa ng sanggol at malakas na inihagis sa pintuan kaya’t nabasag ang bungo nito.
Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang sanggol pero nabigo ng maisalba pa ang buhay nito.
Nakatakdang isailalim sa “psychogical test” ang ina upang mabatid kung may diperensya ito sa pag-iisip ng gawin ang krimen.
- Latest