7 ex-QC building officials, 2 owners guilty sa Ozone tragedy

MANILA, Philippines - Hinatulang guilty ng Sandiganbayan ang 7 dating opisyales ng Quezon City Engineering Office at dalawang may-ari kaugnay sa malagim na trahedya sa Ozone Disco na ikinawi ng may 162 katao noong Marso 1996.

Sa inilabas na desis­yon ng Sandiganbayan 5th Division Associate Justice Maria Theresa Dolores Gomez-Estoesta, napatunayan na ang nasabing mga opisyal ay nagpabaya sa kanilang tungkulin ng aprubahan ang buil­ding permit ng disco bar.
Ang mga nahatulang guilty sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ay sina Alfredo Macapugay, city engineer; Renato Rivera Jr., assistant city engineer; Edgardo Reyes, building inspector; Francisco Itliong, hepe ng Enforcement and Inspection Division; Feliciano Sagana, hepe ng Proces­sing Division; Petronilio Dellamas, engineer; at Rolando Mamaid, building inspector.

Nauna nang pina­walang sala ng Sandiganbayan si Macapugay sa anumang criminal liability sa kahalintulad ng kaso.

Bukod dito ay guilty rin ang mga private respondents na sina Hermilo Ocampo at Ramon Ang, dalawa sa pitong board of directors at stockholders ng Westwood Entertainment Company Inc. na namamahala noon sa Ozone Dance Club.

Ayon sa korte, nagkaroon ng sabwatan ang mga building official at private respondents para makakuha ng building permit ang Ozone Disco para sa renovation nito.

Batay rin sa findings ng imbestigasyon, hindi nasunod ang building requirements para sa isang private establishment tulad ng disco.

 

Show comments