2 tinedyer inutas ng tandem

MANILA, Philippines – Hindi sukat akalain ng dalawang tinedyer na ang pagpapahangin sa labas ng bahay ang magi­ging dahilan ng kanilang kamatayan matapos na sila ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa sa Purok 19, Barangay Lagao, General Santos City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jomarie Jimello at Jun-Jun Ca­sing; kapwa 17-anyos at residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat, bandang alas-11:30  ng gabi habang nagpapahangin at nagkukuwentuhan ang mga biktima kasama ang kanilang mga kaibigan sa tabi ng daan  ng biglang huminto ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki at sila ay pinagbabaril na agad nilang ikinasawi.

Show comments