MANILA, Philippines – Isang lalaki na umano ay drug pusher ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang magsagawa ng search warrant sa bahay nito sa lalawigan ng Albay.
Kinilala ang suspek na si Romeo Nosares, Sr., alyas Buwaya, 61 ng Basud, Barangay San Rafael, Guinobatan, Albay at nakumpiska sa bahay nito ang nasa 400 gramo ng shabu na nakalagay sa dalawang transparent plastic sachets na nagkakahalaga ng P2 milyon.
Batay sa ulat, dakong alas- 2:30 ng madaling-araw nang salakayin ng tropa ng PDEA Regional Office 5 (PDEA RO5) Albay Provincial Office sa bisa ng search warrant na inisyu ni Honorable Alben Casimiro Rabe, Executive Judge of RTC Branch 15, Tabaco City, Albay ang bahay ng suspek sa Barangay San Rafael.
Nakuha rin sa suspek ang isang notebook at 13 pahina ng papel na nakasulat ang mga taong naka-transactions nito sa illegal na droga.