Wanted dakip sa police clearance

MANILA, Philippines – Hindi na nahirapan ang mga otoridad na arestuhin ang isang lalaki na matagal ng  wanted sa batas matapos na kumuha ito ng police clearance kamakalawa sa Muntinlupa City.

Ang suspek ay kinilalang si Roger Awa, 43, tubong Bicol, ng Block 20, Lot 4, Phase 2, Southville Subdivision, Barangay Poblacion ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-10:25 ng umaga ay nagpunta ang suspek sa police clearance section na matatagpuan sa likod ng Muntinlupa City Hall.

Habang naghihintay ang suspek sa pagrilis ng kanyang police clearance ay nalaman na ito ay may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ni Judge Danilo Sandoval, ng Regional Trial Court (RTC), 4th Judicial Region, Branch 12, Lipa City sa kasong illegal possession of fire arms.

Hindi na ito nakapalag nang dakpin ng mga otoridad.

Show comments