Kelot umakyat ng bakod tigok sa sekyu

MANILA, Philippines - Nagmistulang ibon ang isang 29-anyos na trike driver matapos na siya ay barilin ng sekyu habang umaakyat sa pader ng kumpanya ng armored service vehicle dahil pumasok doon ang bola ng basketball kahapon ng umaga.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa dami ng tama ng bala na tinamo ay kinilalang si  Mark Anthony Arcos, ng no. 36 Elga St., Brgy. Tatalon sa lungsod.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pagbaril sa biktima dakong alas-11:00 ng umaga sa loob ng ATPI (Armored Transport Plus Inc.) na matatagpuan sa no. 7 Masaraga St., Brgy. Tatalon ay nagla­laro ito ng basketball sa tapat ng kumpanya nang aksidenteng pumasok ang bola sa loob.

Dahil ayaw umanong papasukin para kunin ang bola sa loob ay napilitan ang biktima na umakyat ng bakod at pagkababa nito ay nakarinig ang ilang testigo ng mga pu­tok ng baril.

Nakatakdang isailalim sa paraffin test ang apat na sekyu na sa mga oras na iyon ay naka-duty upang matukoy kung sino sa kanila ang nagpaputok ng baril.

 

Show comments