2 pulis binihag ng NPA

MANILA, Philippines - Binihag ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dalawang pulis sa naganap na panibagong karahasan sa kahabaan ng national highway ng Alegria, Surigao del Sur kamakalawa.

 Ang dalawang pulis  na binihag ay kinilalang sina PO3 Democrito Polvoroso at PO1 Marichel Contemplo.

Ayon kay CARAGA Police Spokesman Supt. Romaldo Bayting, ang naturang mga pulis ay dinukot ng mga rebelde matapos harangin sa kahabaan ng national highway ng Alegria, Surigao del Sur dakong ala-1:45 ng hapon.

Ang nasabing mga pulis ay lalahok sana sa programa ng lokal na Department of Social Welfare and Development (DSWD) nang harangin ng mga rebelde ang behikulong sinasakyan at bihagin.

Magugunita na una nang binihag ng mga rebelde si PO2 Junnie Amper, intelligence operative ng Malimono Municipal Police Station (MPS) matapos na mag-checkpoint sa naturang bayan sa Agusan del Norte noong nakalipas na linggo.

 

Show comments