Malls sales sanhi ng trapiko

MANILA, Philippines – Makikipagpulong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa mga administrador ng mga shopping malls sa Metro Manila para sa “adjustment” sa oras ng pagbubukas ng mga ito.

Makaraang muling maranasan na nakakadagdag sa kalbaryo sa matinding buhol-buhol na trapiko sa EDSA at iba pang panig ng Metro Manila ang ipinatupad na “3-Day Sale” ng isa sa kilalang shopping mall sa bansa mula nitong Nobyembre 14-16.

Sinabi ni Tolentino na kasalukuyang nasa 24 pa ang naka-pending na proyekto ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na kailangan nang matapos bago pumasok ang buwan ng Disyembre.

Ang mga nakabinbing paghuhukay din umano ng mga kontraktor ng DPWH ang pumipigil sa MMDA para lumikha na ng alternatibong ruta o Christmas lanes sa Disyembre dahil sa kailangang makatiyak muna na natabunan na lahat ng hinukay na mga proyekto.

Show comments