MANILA, Philippines - Nasa kamay na ng Sandiganbayan 1st Division ang mga ebedensiya ng prosekusyon na magdidiin kay Senador Bong Revilla sa kasong graft at plunder may kinalaman sa pork barrel scam.
Ang mga naisumiteng ebidensiya sa graft court ay kinabibilangan ng Commission on Audit Special Report sa PDAF, mga sinumpaang salaysay ng mga whistleblowers, special allotment release orders (SARO) sa PDAF, hard drive ng major whistleblower na si Benhur Luy na naglalaman ng mga transaksyon ng JLN corporation ni Janet Napoles sa mga mambabatas.
Kabilang din ang mga memorandum of agreement sa pagitan ng mga mambabatas at implementing agencies, mga endorsement letter ni Revilla sa mga pekeng NGO ni Napoles at iba pa.
Samantala, titiisin na lamang umano ni Revilla ang mga iniindang sakit kung hindi siya papayagan ng Sandiganbayan sa hiling na makapagpa-ospital sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.
Dahil sa puwede daw niya itong gamitin upang maging daan ito na ma-hospital arrest sa kaso nitong plunder.
Una nang tinutulan ng prosekusyon ang mosyon ni Revilla na makapagpagamot dahil sa pabalik balik na migraine, ubo at sipon.