^

Police Metro

‘Pinoy Biggest Loser’ winner inaresto sa pagpatay

Joy Cantos at Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga otoridad matapos ang dalawang taong pagtatago sa batas ang isang dating pulis Pasig na nanalo bilang grand winner ng isang rea­lity show na “Pinoy Biggest Loser”  na wanted sa kasong pagpatay sa isang Sheriff sa isang operasyon sa Milaor, Camarines Sur kamakalawa.

Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si Larry Martin y Galvan, 40-anyos na itinanghal na Biggest Loser Pinoy Edition Winner sa isang television reality show noong 2011.

Batay sa ulat, bandang alas-12:45 ng hapon  nang masakote ng pulisya sa pamumuno ni Sr. Inspector Gilmore Ruizo, Acting Chief of Police si Martin sa Zone 1, Brgy. Sto Domingo, Milaor, Camarines Sur.

Si Martin ay inaresto kaugnay ng inisyung warrant of arrest laban dito ni Judge Leo Intia ng Regional Trial Court (RTC) Branch 27 ng Naga City kaugnay ng kasong pagpatay sa biktimang si  Sheriff  Rommel Licmoan sa Naga City noong 2012 matapos magkapikunan habang nag-iinuman sa isang bar at napasubsob ito sa semento at dalawang linggo na na-comatose bago bawian ng buhay.

Naglaan naman ang korte ng P120,000.00 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Martin.

Si Martin ay da­ting pulis na nakatalaga sa Pasig City Police, subali’t nagbitiw dahil sa sobrang katabaan, hanggang sumali ito sa nasabing reality show  na Pinoy Biggest Lo­ser na may pababaan ng bawas sa timbang noong 2011.

ACTING CHIEF OF POLICE

BIGGEST LOSER PINOY EDITION WINNER

CAMARINES SUR

JUDGE LEO INTIA

LARRY MARTIN

MILAOR

NAGA CITY

PASIG CITY POLICE

SI MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with