^

Police Metro

Dalaga na inalok ng trabaho, ginahasa

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasira ang pangarap ng isang 20-anyos na dalaga na makapagtrabaho sa abroad matapos na siya ay gahasain ng lalaking nangako na bibigyan siya ng trabaho na naganap kamakalawa sa Parañaque City.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pa­ngalang Maria, ng Antipolo City, Rizal na bago nangyari ang panghahalay sa kanya dakong alas-10:00 ng gabi ng suspek na si Brett Porras, 44, may-asawa, nakatira sa #19A San Miguel St., NAIA, Pasay City ay dinala siya nito sa bahay ng pinsan sa Area 2, Editorial St., Lupang Hinirang Fourth Estate Subdivision, Barangay San Antonio ng lungsod.

Ayon sa biktima na siya ay pinangakuan ng suspek na tutulu­ngang makapagtrabaho sa ibang bansa at inalok na maglagi muna sa bahay ng pa­milya nito sa Las Piñas City habang inaayos ang kanyang mga dokumento.

Nagtiwala ang biktima dahil sa kakilala niya ang suspek at pinaunlakan ang alok, subalit dinala siya sa bahay ng pinsan nito sa Parañaque City.

Pagdating doon sa bahay ay bigla na lamang kinandado ng suspek ang pinto at tinutukan ng patalim ang biktima at tinakot na papatayin kapag hindi sumunod sa gusto nito.

Walang nagawa ang biktima at naisakatuparan ng suspek ang makamundo nitong pagnanasa.

Pagkatapos ay dali-da­ling nagtungo sa presinto ang biktima at nagsampa ng reklamo na kung saan ay nagsagawa ng follow-up operation at  nadakip si Porras.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY SAN ANTONIO

BRETT PORRAS

EDITORIAL ST.

LAS PI

LUPANG HINIRANG FOURTH ESTATE SUBDIVISION

PASAY CITY

SAN MIGUEL ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with