^

Police Metro

Kaya umatras sa debate kay Trillanes... Binay: ‘ayokong maging mapang-api’

Ellen Fernando at Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – The reason why I am withdrawing is I have heard comments that I am already a good and experienced debater that comes with my being a lawyer. He has also been saying things as if they were already confirmed. I don’t want to appear oppressive and opportunistic, so I’m backing out”.

Ito ang inianunsiyo ni Vice President Jejomar Binay kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-72 kaarawan na isinagawa nito sa Philippine Navy Headquarters sa Fort Bonifacio, sa Taguig City.

Masayang ipinagdiwang ni Binay ang kanyang ika-72 kaarawan kasama ang mga anak na sina Senator Nancy Binay at Makati Mayor Junjun Binay na nanguna sa routine walk ng Philippine Navy at nakisalo sa inihandang boodle fight kasama ang mga Navy officers.

Bukod sa nasabing aktibidad, namudmod ang mag-aamang Binay ng mga school bags sa mga mag-aaral ng Philippine Navy Wives Association Child Learning Center sa Fort Bonifacio.

Giit ni Binay, pinal na ang kanyang desisyon sa pag-atras bagama’t siya ang naghamon ng one-on-one debate kay Senador Antonio Trillanes.

“Oo ako ang nagha­mon, o tinanggap naman niya... Nagsalita ako, tinanggap niya, pero ngayon e marami siyang salita. Itong mga developments ang naging dahilan kung bakit tama na,” dagdag nito.

Pinagtawanan lang naman ni Binay ang mga nagsasabing tapos na ang kanyang political career kasunod ng pag-atras sa debate.

Katwiran niya, napa­kalaki pa ng lamang niya sa mga survey at consistent pang numero uno sa posisyon bilang bise presidente.

Isasagawa sana sa Nobyembre 27 ang debate na inasikaso pa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Tinawag naman ni Senadora Nancy Binay na sagot sa kanyang dasal ang pag-atras ng ama sa debate nito kay Trillanes.

“This is an answered prayer and a welcome relief for the family, although we expect that our detractors will continue to gloat on the situation,” ani Nancy.

Idinagdag pa ni Nancy na inirerespeto nila ang naging desisyon ng ama at tiniyak nitong magpapatuloy ang kanyang ama sa trabaho.

Una nang inihayag ni Nancy na hindi dapat bu­maba sa level ni Trillanes ang kanyang ama.

Tutol din sa debate ang mismong maybahay ng bise presidente na si dating Makati Mayor Elenita Binay.

BINAY

FORT BONIFACIO

KANYANG

MAKATI MAYOR ELENITA BINAY

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

PHILIPPINE NAVY

PHILIPPINE NAVY HEADQUARTERS

PHILIPPINE NAVY WIVES ASSOCIATION CHILD LEARNING CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with