MANILA, Philippines – Makibahagi sa gun license caravan sa 2014 Defense & Sporting Arms Show (DSAS) na gaganapin sa Nobyembre 13 hanggang 14, 2014 sa 5th Floor, Building B, SM Megamall, Mandaluyong City.
Ito ang paghihikayat ng mga opisyal ng Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD) sa mga may-ari ng baril na may delingkuwenteng lisensiya.
Ayon kay AFAD President Jethro T. Dionisio, nakikipagtulungan ang kanilang organisasyon sa Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosives Division (FED) upang maibsan ang backlog ng mga gun license na dapat ng i-renew.
Nitong mga nakaraang buwan, ilang lugar na sa Metro Manila ang naabot ng PNP-FED/AFAD caravan upang magproseso ng License to Own and Possess Firearms (LTOAPF) sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan.
Ayon sa AFAD official na isang magandang oportunidad ang 2014 DSAS upang mag-aplay ng LTOAPF dahil ito ay dinadagsa ng libu-libong mga gun enthusiast bawat taon.